Breaking News | 3 Pulis Patay Matapos Tambangan ng mga NPA sa Camarines Sur






Patay ang tatlong pulis habang sugatan naman ang apat na iba pa matapos ang nangyaring pananambang sa convoy ni Food and Drugs Administration (FDA) Director General Nela Charade Puno sa Barangay Alanao, Lupi, Camarines Sur.


Kinilala ang mga nasawi na sina SPO1 Percival Rafael, PO3 Carlito Navarroza, PO1 Ralph Jason Vida habang ang mga sugatan ay sina PO1 Jonathan Perillo, PO1 Ruby Buena at PO1 Rodolfo Gonzaga.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na lumapag sa Naga Airport ang sinakyang eroplano ni Puno kaninang umaga kung saan siya sinundo ng grupo ng PNP na siyang maghahatid sa kanya sa bayan ng Daet, Camarines Norte para dumalo sa aktibidad na inorganisa ng LGU-Daet.

Loading...



Pasado alas-8:55 umano nang makarating ang convoy sa bayan ng Lupi at doon na pinaulanan ng bala ng pinaniniwalaang mga miyembro ng NPA.

Agad naman na dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga nasugatang pulis subalit tuluyan ng binawian ng buhay ang tatlo habang patuloy naman na ginagamot ang mga sugatan.


Ayon kay Col. Paul Regencia, tagapagsalita ng 9th Infantry Division, Philippine Army, agad na rumesponde ang tropa ng mga militar sa pinangyarihan ng pananambang.
Samantala, nakaligtas naman si Puno sa naturang pananambang at nasa maayos na ang kalagayan sa pangangalaga ng Sipocot PNP.

Loading...