PUV Modernization | Modernong Jeepney Inilabas na ng DOTr






Unang inilabas ang modern jeepney sa Hyundai Power Solutions Business Mobility Expo nitong Oktubre 16, 2018. Meron itong kapasidad na magsakay ng 23 na pasahero, may libreng wi-fi din para sa mga gustong mag-internet sa byahe. At syempre, fully air-conditioned ito para naman comportable ang byahe ng mga commuters.

Hindi ka na din makikiabot ng bayad pa sa mga kapwa mo pasahero dahil ang automated na ang pagbabayad dito, katulad ng proseso sa MRT.


Ang kaligtasan ay higit na sigurado sa modern jeepney na ito dahil meron itong 4 na CCTV cameras at may speed limiter din. Meron din itong LED signages at GPS.

Loading...




Ang Hyundai modern jeepney ay binuo sa tulong ng Del Monte Motor Works, Inc.

Ayon sa DOTr, maaaring ipapalit ng mga drayber at operator ang kanilang lumang jeep para sa makabagong sasakyan na ito, at mabibigyan sila ng 3 taong palugit para mabayaran ang bagong pampublikong sasakyan.

May mga senador naman tulad ni Grace Poe na syang sumasalungat sa sinasabing proyekto ng gobyerno.

Loading...