VP Leni Pinuri ang Pagbabalik Pulitika ni Mar Roxas "Big Sacrifice Yan"






Masaya si Vice President Leni Robredo sa desisyon ng dating DILG Secretary na si Mar Roxas na tumakbo para sa senador sa halalan sa susunod na taon.


“Masaya ako na ang aking partner nung 2016 @MARoxas ay babalik sa serbisyong bayan,” sabi ni Robredo.

Loading...
“Malaking sakripisyo ito sa kanya pero patunay na dahil sa pagmamahal sa bayan, handa pa rin siyang maglingkod at lumaban, sa kabila nang lahat,” dagdag niya.

Isang araw matapos na ipahayag ang kanyang pampulitikang plano para sa 2019, inihain ni Roxas ang kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections (COMELEC) Martes.

Loading...